Wednesday, October 19, 2011

Long lost love?

love, first love, relationship, past,
Five long years. Five long years of not seeing him. I am still single and already 27 years old. I had suitors, but i just can't pick.

Matindi ang sikat ng araw. In October! Can you believe that? Ang panahon nga naman sa Pinas, napakagulo. Parang mga pusong ligaw, ang gulo-gulo. I was on my way papunta sa mall, galing akong work kaya naglalakad lang ako. Malapit lang naman kasi ang Ortigas sa SM Megamall eh.

Haba ng pila sa entrance. Ay! Mega sale nga pala kasi at payday pa. Buti pa sila! Taliwas kasi ang sahod namin sa mga sale's day. Pero may kaperahan pa naman ako kaya keri pa rin. I hate shopping alone. And worst, eating alone. Para kong loner talga na kakababa lang ng bundok. At least maganda ang outfit ko this day.

I decided na kumain muna. At kung saan? Sa Jolibee syempre! Bida ang saya dito eh. Daming tao pa rin. Haba ng pila at gutom na ko. At last ako na rin ang oorder.

"One fried chicken, spicy please. Large pineapple juice and large fries, at saka gravy na rin." Yan ang order ko.

Buti na lang at may mauuupuan pa ko. Dun sa gilid. Hindi masyadong crowded at kita ko pa ang nagyayari sa labas. After five minutes, bigla na lang napuno yung Jolibee. Wow! Pang hatak ako ng swerte?? Hahaha. Then may lumapit na mama.

"Pwedeng makitabi? Puno na kasi yung ibang table eh", sabi nung mama. Kulot sya, matangkad, sakto ang kulay ng balat at gwapo naman. Nasa 30s na siguro ito.

"Sure. Patapos na rin naman ako eh." Diba naman! Five minutes pa lang tapos ng lumafang! Nakilala ko yung mama. Kilalang-kilala ko sya. Hindi ko sya makakalimutan kahit magka-amnesia pa ko.

"Hindi ka pa nga nakakalahati sa manok mo, aalis ka na? Sabay na tayo mamaya Marjorie."

Ayy.. Kilala pa nya ko. For five long years na hindi kami nagkita. Knowis nya pa rin ako.

Single pa kaya sya? Nagkatuluyan kaya sila ng probinsyana nyang jowa? Tsk.. Naalala ko tuloy mga kabaliwan ko sa kanya noon.

Marjorie: Ayoko Ben. Mauuna na ako sayo. Hindi ko kailangan ng kasabay.

Ben: Ang sungit mo naman! Hindi ka naman ganyan dati ah.. Kaw nga tong habol ng habol  noon eh.. Diba? Naaalala mo pa ba?

Marjorie: Wow ha! Kapal mo talaga! Yes I can still remember and I regret those moments na ngpakababa ako sayo no!

Sabay tugtog ng MYMP song sa Jolibee. Kanina pueo dance songs, ngayon MYMP. At guess what kung ano ang kanta? "A little bit" pagkakataon nga naman!

Ben: Ganda ng song no. May naaalala ko dito. Yung babaeng super crush ako noong college na hanggang pag-graduate nya, ako pa rin daw ang gusto.

Marjorie: (The nerve of this guy) Ang gwapo mo naman! May nagpakadesperadang babae para sayo. Swerte nung babaeng yun, di sya napunta sayo.

Ben: Talaga? Sana nga pwede pang humabol eh. Kahit ang marami akong kasalanan sa kanya.

Marjorie: Buti kung patawarin ka pa! Sige, aalis na ko. Nawalan na ako ng gana eh.

Ben: Wait lang naman kasi..



At umalis na ko. Kapal ng lalaking yun. Paalala pa ang nakaraan. masaya na nga ako eh. Hay naman talga panggulo sya!



love, first love, relationship, past, See, this is the problem with me, once i started writing something, i don't know how to end it. I'll update it very soon. Once i'll decided if still, it;ll be them after five long years.

♥lady bhadz

0 comments:

Post a Comment

Thanks for your sweet comments :)Your visit made my blog complete. :)

 
;