Saturday, January 11, 2014

Pahabol sa 2014 - Bucket List

2014 bucket list
Late na ba para sa aking makabuluhang 2014 bucket list? Hindi pa naman siguro dahil January pa rin naman, diba? Hmmm ito lang naman kasi yan, noong nakaraang taon (2013), wala man akong bulgarag bucket list, may mga bagay naman akong na-achieved na naayon sa aking plano. Kaya ngayong 2014, maglilista ako ng mga bagay na gusto kong i-prioritize sa taon ng mga kabayo.


Well, sa ngayon ito muna ang maililista ko:

1. "In every past, one true friend awaits".. Nung binalikan ko ang mga photos ko nung 2013, napansin ko na karamihan sa mga taong kasama ko ay yun at yun pa ren. Hindi ako nagsasawa sa kanila, at ayoko silang mawala sa mga susunod kong photos sa susunod pang maraming taon. Pero ngayong 2014, sana at susubukan kong mag reach out sa mga taong naging kaibigan / close friends ko noong kabataan ko. Dahil ngayon, ramdam kong miss ko na talaga sila. Especially yung mga high school friends ko. Kaya sa mga kasama ko ng taong 2013, dagdagan natin ang mga mukha sa mga litratong mapo-proseso natin. :)

zephyr

2. "Fly away on my Zephyr"... Isa lang ito - ang makarating ako sa mga lugar na eroplano ang sinakyan. Labas man o loob ng bansa, siguro ito na ang taon para ang isang taong ipinaganak sa taon ng mga kabayo ay makalipad. Pero pasok pa rin dito ang makagala, sa mga lugar na hindi ko napuntahan noong 2013. Dagdag sa aking makasaysayang buhay ang isang malupit na adventure!

3. "Love on Top".. Sa simpleng salita ay mamundok. Hindi ko planong akyatin ang pinaka mataas ng bundok sa Pinas. Aminado ako na hindi ko kaya yun. Pero sana bago matapos ang 2014, makarating man lang ako sa tuktok ng Mt. Batulaw o hindi naman kaya ay sa Pico de Loro. Kaya sayo, aking mahal, samahan mo ko! :D


Coin Bank4. "Feed 'em all with coins".. Desidido ako dito. Sa pagtatapos ng 2014. mapupuno ko ang dalawa kong alikansya sa opisina. Coins, papers, lahat yan isusuksok ko sa aking alikansya. At dapat sa bawat sentimong kikitain ko, may mailalaan ako sa para sa bangko. Dapat matupad ko ito. Sa lahat lahat.. importante ito.

5. "Some past needs to be on your present life".. Ano na naman ito? Well, sa kabuuan ng aking nakaraan, isa ang pinaka gusto kong balikan. Pinaka mababaw, pero mahalaga sa akin. Ito ang pagiging payat. Mahirap sya. Ang sarap kayang kumain! Pero dapat kayanin ko! Kung hindi naman ako maging payat, magawa ko man lang sanang flat yung tyan at puson ko. Ahaha. 


O ayan. Nakapagsulat na ako. Suportahan niyo lang ako, kapit lang, magagawa ko to. Sabi nga nila, isa-isa lang at hindi pwedeng lahat at sabay sabay kong magagawa. Kaya ito muna, first things first. 

Ikaw, kayo, anong gagawin niyo sa taong 2014? Ibahagi na!




1 comments:

Unknown said...

What a nice blog men and a nice plans as well...
Well, hope you can really achieve them this year, lalo na sa pag-PA-PA-PAYAT mo.

Sana makasama ako sa pag-akyat mo sa BUNDOK!

Post a Comment

Thanks for your sweet comments :)Your visit made my blog complete. :)

 
;